Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Duterte sisingilin pumatay sa FEU football player

0 17

Hahabulin at parurusahan ng gobyerno ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na pumatay sa magpinsang Keith at Nolven Absalon sa Masbate City.

Ito ang inihayag ng Malacañang kasunod ng apela ng pamilya ng footballer kay Pangulong Rodrigo Duterte na humihingi ng hustisya sa pagkasawi ng magpinsan dahil sa kagagawan ng kilusang komunista.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na mariing kinukondena ng Malacañang ang ginawa ng mga NPA sa mga biktima.

“Mariin namin itong kinokondena. Narinig po ni Presidente ang hiling at iyak ng pamilya ni Keith ng hustisya lalo at nagsabi ang pamilya na binaril ang mga biktima. Nangako ang Pangulo na masusi itong imbestigahan at pagbabayarin ang mga may sala,” ani Roque.

Ipinaabot ng Malacañang ang pakikiramay sa pamilya Absalon at tiniyak na pananagutin ang mga nasa likod nang pagpapasabog ng landmine at pamamaril pa umano sa mga biktima. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.