Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Duterte sinisi sa hiwalayan kay Kiko

0 2,293

Sumabog na ang mga kinikimkim na sama ng loob ni Sharon Cuneta dahil na rin sa mga nangyayari ngayon sa kanilang pamilya ni Senador Francis `Kiko’ Pangilinan kung saan pati si Pangulong Rodrigo Duterte ay dinamay ng mega star sa kanyang mga panunumbat na siniwalat pa nito sa social media.

“Napakasama ko namang asawa at ina pag hinayaan ko pa na magpatuloy yun ng ano, naka smile lang lagi? Hindi ko na kaya,” bahagi ng post ni Sharon sa kanyang Instagram account na kalaunan ay binura rin nito.

Sa naturang post, binanggit ni Sharon na mismong ang Pangulo pa aniya ang nagsabi na “pinapalayas ko ang asawa ko samin at magreresign siya kundi totoo” bagay na labis umano nilang ikinagulat noon.

Isinumbat din ni Sharon sa Pangulo ang pagkatalo ng kanyang kapatid na si Chet Cuneta sa eleksyon. Kinumbinsi umano ng Pangulo ang kanyang kapatid na lalaki para tumakbo sa mayoralty race sa Pasay City.

“Tuwang-tuwa kami nung inendorse siya ng Pangulo at ni Inday Sara. Tapos nagulat kami pati ang kalaban niya ay inendorso rin,” ani Sharon.

Sa kabila aniya nito, nanatiling tahimik lang siya sa pangyayari. “

Tapos nang “binaboy” aniya ng isang DDS ang kanyang anak na si Frankie ay wala namang dumipensa sa kanila.

“Ako at si Khakie na ito, hindi na si Kiko lang. Nasaktan ako kasi tayo dapat ang magkakampi,” dagdag pa ni Sharon.

Ilang taon din umano niyang hinayaan masaktan ang kanyang pamilya habang pinagtatanggol pa niyang pilit sa asawa at anak ang Pangulo.

(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.