Una sa Balita

Duterte sinagot ang pagiging dugong Maranao

0 361

Binira ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang pahayagan na kumuwestiyon sa pagkakaroon nito ng dugong Maranao dahil sa kanyang lola.

Sinabi ng Pangulo na ibinase ng isang artikulo sa aniya ay tsismis ang pagkuwestiyon sa kanyang pagkakaroon ng dugong Muslim kaya mali ang lumabas sa artikulo.

Ayon sa Pangulo, ang nanay nito ang may dugong muslim at hindi ang kanyang ama na siyang inilabas sa isang pahayagan.

“Ito kasing article hindi ako Muslim. It’s my mother. It’s not - my father has nothing to do with me being a Maranao. Bisaya yan eh. Ang nanay ko, ang tatay niya intsik, ang lola ko ang Maranaw. Ang nanay ko ang mestiza Maranao,” anang Pangulo.

Binigyang-diin ni Pangulong Duterte na hindi siya nagpapanggap na Maranao, dahil ang nanay nito ang may dugong Maranao at hindi ang tatay nito, batay sa lumabas na artikulo.

Sinabi ng Presidente na produkto ng ‘tsismis’ ang isinulat dahil hindi nagsaliksik ng husto kaya naman hindi kapani-paniwala ang inilabas sa isang malaking pahayagan.

“Why should I pretend about my lineage? Ang nanay ko– nagkamali sila eh.

That’s what you get if you would begin to dig in the history, tapos you rely on tsismis. I never said it was my father. The Duterte is a familiar name in Cebu,” dagdag pa ng Pangulo. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy