Una sa Balita

Duterte sa US: ‘Di puwede armas nukleyar niyo sa ‘Pinas!

0 418

HINDI papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing imbakan ng armas ng Amerika ang Pilipinas.

Inihayag ito ng Pa­ngulo sa harap ng ulat na maglalagay umano ng mga armas sa bansa ang Amerika sa ilalim ng RP-US Defense Treaty.

Sinabi ng Pangulo na labag sa Konstitusyon kapag iginiit ng kaal­yadong bansa ang pag­lalagay ng armas nukleyar sa Pilipinas.

“There’s an item there right now sa newspaper that they are going to place some ba­llistics, mid-range. That can never be happen because I will not allow it. It’ s all –because it’s also a violation of the Constitution,” anang Pangulo.

Binigyang-diin ni Pangulong Duterte na ayaw niyang magkaroon ng away sa China kayat hindi siya papayag na magkaroon ng mga sundalong Amerikano o alinmang dayuhang puwersa sa Pagasa Island o kahit saan pa mang panig ng bansa.

“You cannot place nuclear arms in the Philippines. Hindi talaga puwede ‘yan. Hindi ako papayag. At saka ayaw ko ng away sa China. I told them hindi talaga ako papayag,” dagdag pa ng Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na nagdududa sa kanya ang Amerika dahil sa pagiging malapit nito sa China at sa Russia subalit ang Amerika aniya ang nagtulak sa kanya para lumapit sa nabanggit na dalawang bansa noong nangaila­ngan siya ng tulong dahil sa giyera sa Marawi City.

Sinabi ng Presidente na dalawang US congressmen ang nambatikos sa kanya at inakusahang human rights violator, bukod sa pinigil pa ang pagbebenta ng armas sa Pilipinas kaya wala siyang magagawa kundi lumapit sa handang magbigay ng tulong sa Pilipinas.(Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy