Una sa Balita

Duterte sa UNHRC: Mga bobo kayo!

0 387

Hindi makakaasa ang mga imbestigador ng United Nations Human Rights Council (UNHCR) na haharap sa pag-uusig ng International Criminal Court si Pangulong Rodrigo Duterte para sagutin ang isyu ng extra judicial killings sa bansa.

Sinabi ng Pangulo na haharap lamang ito sa ano mang paglilitis sa korte ng Pilipinas na pinangangasiwaan ng isang Filipino judge.

Maaari rin aniyang maibalik ang parusang bitay at ipatupad sa kanya basta sa Pilipinas ito gawin at hindi sa ibang bansa.

“As I have told you before ladies and gentlemen of the world, and all the government, I will only face a trial in a Philippine court presided by a Filipino judge, prosecuted by a Filipino and maybe they can reimpose death pe­nalty then die in Filipino land,” anang Pangulo.

Binigyang-diin pa ng Presidente na umiiral ang justice system sa bansa kaya hindi ito sasagot sa pagtatanong ng sino mang lahing puti na nais umusig sa kanya.

“I will not answer a caucasian asking question or white man there. You must be stupid, who are you? I am a Filipino we have our courts here, why you have to bring me somewhere else? I would not like that. I have my country it’s working, justice is wor­king here,” dagdag pa ng Pangulo.

Hindi naman makapagpasya si Pa­ngulong Duterte kung tuluyang puputulin ang ugnayan sa Iceland matapos pangunahan ang pagpapaimbestiga sa war on drugs ng gobyerno sa UNHRC.

Sinabi ng Pangulo na isinaalang-alang nito ang kapakanan ng may 2,000 Pilipino na nagtatrabaho sa Iceland kaya seryosong ikinukun­sidera nito ang mungkahing tapusin na ang ugnayan sa nabanggit na bansa.

“I’m seriously consi­dering because it might affect the relations between our citizens and the host country,” anang Pangulo.

Baka hindi aniya magustuhan ng Iceland ang maging aksiyon ng gobyerno at pagbali­ngan ang mga Pinoy na nasa kanilang bansa.

Kapag aniya kinanti ang mga Pilipino sa Iceland dahil sa isyu, sinabi ng Pangulo na hindi niya papayagang mangyari ito.

“They might not like the way we behave towards them and so it would prompt them to take measures. I hope they do not have to do it because I will not also take it sitting down,” dagdag ng Pangulo.

Bagama’t kumambyo na si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa mungkahing putulin na ang ugnayan sa Iceland, sinabi ng Pangulo na ang huling desisyon ay manggagaling sa Office of the President.

Naitatag ang relasyon ng Pilipinas at Iceland noong 1999 at naging trade partners sa larangan ng maritime, mining, renew­ble energy, medical services, fisheries at geothermal energy. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy