Duterte sa Palasyo gugunutain ang Holy Week

0 427

Kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pag-uwi sa Davao City ngayong Holy Week at sa halip ay mananatili sa Metro Manila para matutukan ang pagharap sa krisis na dulot ng coronavirus disease 2019.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mananatili ang Pangulo sa Bahay Pagbabago at itutuloy ang kanyang trabaho at pagmomonitor sa mga kaganapan sa pakikibaka ng bansa sa coronavirus.

Dahil dito hindi aniya makakasama ng Pangulo ang kanyang bunsong anak na magdiriwang ng kanyang ika-15 kaarawan ngayong April 10.

“Ang ating Presidente has decided to cancel his trip to Davao City, sana ay pupunta sana doon para makasama ang pamilya nya , apart from that birthday po ni Kitty, yung kanilang anak ni Madam Honeylet Avanceña,” ani Panelo.

Matatandaang simula dumami ang kaso ng COVID-19 sa bansa partikular sa Metro Manila ay hindi na umuwi ang Pangulo sa Davao City.

Sinabi ng Pangulo na ang Metro Manila ang mukha ng Pilipinas kaya mananatili ito sa Malacañang hanggang hindi natatapos ang problema sa COVID-19.

Nagpaabot naman si Panelo ng pagbati kay Kitty Duterte na aniya ay nasabay sa hindi magandang panahon ang kanyang kaarawan.

“We would like to greet you Kitty a happy birthday. Although yung celebration mo ay hindi nasa magandang panahon,” ani Panelo.(Aileen Taliping)

Abante – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...