Una sa Balita

Duterte sa mga sunog-baga: ‘ Pag nagka-cancer, palalamunin ng pekeng medisina’

0 853

Ni Aileen Taliping

MAMIMIGAY ng libreng gamot si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga may sakit na cancer dahil sa paninigarilyo para mas mapadali ang kalbaryo ng mga ito.

Ito ang pabirong pahayag ng Pangulo kasunod ng obserbasyon nito na mahina pa rin ang pagtugon ng mga Filipino sa ipinatupad na smoking ban sa mga pampublikong lugar sa ­buong bansa.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang pagsasalita sa Barangay Summit on Peace and Order sa Pasay City Martes ng gabi na mataas ang ­antas ng mga namamatay sa cancer bunsod ng paninigarilyo kaya dapat ngayon pa lamang ay itigil na ang bisyo sa paninigarilyo.

Batid naman aniya ng mga mamamayan ang masamang epekto ng paninigarilyo pero marami pa rin ang hindi tumitigil sa kanilang bisyo at sa bandang huli ay tinamaan na ng sakit.

“Sige manigarilyo kayo. Mani­garilyo kayo but sabihin mo lang sa akin na tinamaan ka ng cancer. Padalan kita ng mga pekeng medisina, nahuli ng mga NBI. Para hindi ka na gumaling. Eh bakit mo patagalin mo ­sarili mo? Ginusto mo ‘yan. Totoo. ‘Pag mag-abot kayo ng… Ito usapang ano lang — usapang… ‘Pag ­umabot kayo ng third stage, huwag na kayong magpagamot,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na may mga kaibigan siya na nakaratay ngayon sa pagamutan at malubha dahil sa matinding paninigarilyo, katulad ni dating House Speaker Prospero Nograles.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy