Una sa Balita

Duterte sa mga Pinoy: Sipain niyo ako kung wala na akong silbi

0 386

HINAMON ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sambayanan na paalisin siya sa puwesto kung magiging inutil siya sa huling tatlong taon ng kanyang termino.

Sinabi ng Pangulo na mas mainam na ang taumbayan ang magpaalis sa puwesto kung sa tingin nila ay wala na siyang maitutulong sa kapwa at hindi na napapakinabangan ng mga Pilipino.

Hindi aniya nito maatim na pinapakain siya ng taong bayan sa Malacañang subalit sa bandang huli ay walang maaasahang tulong mula sa kanya ang mamamayan.

“Alam mo, sa totoo lang, kung three years ko hindi ako makatulong, paalisin nyo ako. Kung Presidente inutil, wala rin akong –wala na rin akong maitulong sa kapwa ko,” anang Pangulo.

Sa mga nakalipas na talumpati ni Pangulong Duterte ay hinamon niya rin ang militar na kung inaakalang ayaw na sa kanya ay diretsahin lang ito at hindi na kailangan pang mag-kudeta.

Sinabi pa ng Presidente na handa niyang ibigay sa militar ang pamamahala sa gobyerno kung sa tingin nila ay hindi na siya epek­tibo sa kanyang pangangasiwa sa gobyerno. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy