Una sa Balita

Duterte sa mga Pinoy sa Israel; mga kritiko ginagawa akong demonyo

By
0 1,094

MISTULANG nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte sa Filipino community sa Israel kaugnay sa isyu ng paniniwala sa Diyos.

Sa kanyang pagharap sa mga Pinoy sa Israel, sinabi ng Pangulo na huwag paniwalaan ang intrigang hindi siya naniniwala sa Diyos.

Ayon sa Pangulo, politika lang ito dahil ang katotohanan ay naniniwala ito sa Supreme God na iminulat sa kanya ng kanyang mga magulang.

Kaya aniya nagkakaroon ng debate ay sa dahilang ginagamit ng mga kritiko ang Diyos para siya’y atakihin at palitawing siya ay demonyo o masama.

“Huwag kayong maniwala diyan sa intriga na hindi ako naniniwala sa Diyos. Politika lang yan.

You know when you attack me in public using God as platform pictu­ring me or protraying me as a devil or — you open the issue to debate,” anang Pangulo.

Matatandaang maraming nagalit na religious organizations sa Pangulo makaraang tawagin niyang “stupid” ang Diyos.
Naging daan din ito para bumuo ng 4-man panel ang Malacañang para makipagdayalogo sa simbahang Katolika at iba pang religious organizations upang plantsahin ang gusot na nilikha ng pahayag ng Pa­ngulo.