Una sa Balita

Duterte sa mga Pinoy: Maging instrumento ng kapayapaan

0 313

HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na maging ins­trumento ng kapa­yapaan.

Sa kanyang Easter message para sa milyon-milyong katoliko na nagdiriwang ng Easter Sunday, binanggit ni Pangulong Duterte na ito ang pinaka importanteng araw sa Simbahang katoliko ang muling pagkabuhay ni Jesus.

Sinabi ni Duterte na ang pagkabuhay ni Hesus ay tunay na pag-asa at inspirasyon kung papaano nagsakripisyo si Hesus na ipinako sa krus para matubos lamang ang ating kasalanan.

“May this time of new beginnings inspire us to always choose what is good and uplifting. Let us strive to be instruments of peace in our families and communities and foster greater harmony and understanding where­ver and whenever it is most needed,” ayon pa sa Pangulo.

Umaasa rin ang Pangulong Duterte na ang Easter Sunday ay maging ins­trumento para simulan muli ang ating bahagi para sa nation-building, partikular na ngayon nalalapit na ang halalan.

“I trust that this season of Easter will be a blessed time for us to rekindle our shared commitment in nation-building, especially in the upcoming midterm elections,” ayon pa sa Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulong Duterte na ang resulta ng nalalapit na eleksiyon ay maging totoong kagustuhan sana ng taumbayan.

Kasabay nito, hinimok rin ni Pa­ngulong Duterte ang publiko na piliin ang mga kandidato na mabuti at makadiyos para mapanatili ang kapayapaan. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy