Una sa Balita

Duterte sa mga Pinoy: Ipaglaban ang soberanya ng ‘Pinas

0 293

NAKIISA si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita ng mga beterano at sambayanan sa Araw ng Kagitingan.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng Pangulo na ginugunita ngayong araw na ito ang kabayanihan at katapangan ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo na nakipaglaban sa mga sundalong Hapon sa kabundukan ng Bataan para ipagtanggol ang demokrasya at kalayaan noong ikalawang digmaan.

Sinabi ng Pangulo na hindi makakalimutan kailanman ang ipinakitang sakripisyo ng mga nakipag­laban para sa bansa, kasama na ang mga sibilyang tumulong sa mga sundalo para madepensahan ang mga kalaban.

“Today we remember the heroism of the brave Filipino and American soldiers who stood side by side in the mountains and jungles of Bataan in defense of our liberty and democracy.We may not be able to memorialize all of them, but we will forever remember and honor their epic struggle and unshakeable fortitude,” anang Pangulo.

Umaasa si Pangulong Duterte na magsilbing inspirasyon sa mga Pilipino ang ginawang sakripisyo ng mga ninuno para pangalagaan ang soberanya at protektahan ang karapatan at kalayaang tinatamasa ngayon ng sambayanan.

“As we hold this solemn observance, it is my hope that we will all be inspired to remain steadfast like our forefathers and their allies in upholding our sovereignty and in protecting the rights and freedoms that our people enjoy today,” dagdag pa ng Pangulo. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy