Una sa Balita

Duterte sa mga pari: Mamatay kayo sa VD!

By
0 683

BINUWELTAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga pari na sana’y mamatay na sila sa ­venereal disease.

Binanggit ito ni Pa­ngulong Duterte matapos banatan si Father Noel Gatcha­lian sa naging pahayag nito noong Huwebes na ipagdarasal niya na sana ay magkasakit ang Pangulo.

Ayon sa Pangulo, hindi siya natatakot mamatay dahil alam niyang susunod din ang pari.

Subalit bago mamatay ang pari, sinabi ni Digong na kailangang maghapi-hapi muna ito at dagdagan ang girlfriends.
“Sabi po nu’ng isang pari na mamatay ako, huwag kang mag-alala Father, whether I die today or I die tomorrow it does not matter to me anymore, tapos na ‘ko.

“Ikaw kulang ka pa sa happy-happy dagdagan mo ‘yung mga girlfriends mo diyan. Ta..ina n’yo akala n’yo ‘di namin alam. Kung mamatay ako tutal susunod ka rin eh. The likes of you, to wish ill… saan ka nakakita ng paring nagsabing mamatay sana si Duterte?” ang gigil na pahayag ng Pangulo.

Idinamay na rin ng Presidente ang ngitngit sa iba pang mga pari na sana ay mamatay sa sakit sa babae, lalo na yaong mga may kabit.

Ayon pa sa Pangulo, ang mga pari ang pinaka-ipokrito dahil ang iba ay nagmamalinis gayong marami sa mga kasamahan ay patong-patong ang kaso dahil sa pangmomolestiya sa mga bata.

“Eh ‘di sabihin ko rin, mamatay sana kayong lahat ng venereal disease, lalo na ‘yung mga paring walang perang may kabit diyan sa tabi-tabi ng Pasay.

“At saka may orphanage kayo existing now, ‘yung mga anak ninyo na sikreto diyan inilagay. Kunwari pinapalabas ninyo… the most hypocritical institution in the Philippines today, mga pari,” dagdag pa ng Pangulo.

Ang kontrobersyal na pahayag ni Fr. Gatchalian ay ginawa sa isang misa sa Senado para kay Senador Antonio Trillanes IV noong Huwebes.

Sa kanyang homily, nagbiro si Fr. Gatcha­lian na ipagdarasal niya na magkasakit si Pangulong Duterte.

“Sinabi ng ating Simbahan, magdasal. Kaya pinagdasal ko na magkasakit si Digong, kasi hindi ba sabi niya pagod na siya, pahi­nga na muna siya,” biro ni Fr. Gatchalian. ­