Una sa Balita

Duterte sa mga foreign ships na walang permiso: Lumayas kayo

0 273

OBLIGADO na ang lahat ng mga barkong dadaan sa karagatan ng Pilipinas na kumuha muna ng clearance sa gobyerno.

Ito ang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte para maiwasan ang mga hindi pagkakaintindihan sa mga darating na araw, sa harap na rin ng mga na-monitor na pagdaan ng mga dayuhang barko sa mga karagatan ng Pilipinas.

Ginawang halimbawa dito ang ilang beses na naispatang pagdaan ng Chinese warships sa Sibutu Strait sa Tawi-Tawi na hindi man lang nagpaabiso sa pamahalaan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, epektibo ngayong Martes ang direktiba ni Pangulong Duterte para sa lahat ng mga barkong dadaan sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

“To avoid misunderstanding in the future, the President is putting on notice that beginning today, all foreign vessels passing our territorial waters must notify and get clearance from the proper government authority well in advance of the actual passage,” ani Panelo.

Kapag hindi aniya sumunod ang mga dayuhang barko ay mapipilitan ang gobyerno na umaksiyon sa pamamagitan ng “unfriendly manner”, pipi­gilan ang mga ito at paaalisin sa karagatang sakop ng bansa.

Sinabi ni Panelo na maaaring gamitin ng gobyerno ang militar para itaboy ang mga hindi susunod na mga sasak­yang pandagat. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy