Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Duterte sa mga Cebuano: IATF protocol sundin nyo!

0 58

Tinabla ng Malacañang ang ipinaiiral na polisiya ng Cebu City government para sa mga dumarating na pasahero sa lungsod at sa buong Cebu province.
Ito ay matapos atasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Cebu na sundin ang arrival protocols na inilabas ng Inter-Agency Task Force .
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ipinalabas ang direktiba ng Pangulo sa pamamagitan ng tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
“The President has decided that the IATF protocols must be implemented by the Cebu province. The President has also considered the DOH critique and has decided that Cebu province must abide with the IATF arrival protocols,'” ani Roque.
Batay sa patakaran ng tanggapan ni Cebu Governor Gwen Garcia, agad na isinasailalim sa swab test ang mga dumarating na pasahero sa Cebu at kapag negatibo ay agad na pinapauwi.

Taliwas ito sa patakarang inilabas ng IATF na kinakailangang sumailalim muna sa quarantine ang pasahero mula sa ibang bansa at sa ika-pitong araw ay saka pa lamang isa-swab test. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.