Una sa Balita

Duterte sa mga botante: Huwag maniwala sa survey!

By
0 689

HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga botante na maging matalino sa pagpili ng mga iluluklok sa puwesto at huwag basta magpadala sa mga survey.

Sinabi ng Pangulo na maraming mga kandidato sa midterm elections ang mas may alam at nasa puso ang paglilingkod kaysa sa pinapalutang na mga nangunguna sa survey.

“‘Yung mga nangu­nguna sa survey, susmaryosep. Eh may mga tao dito na dedicated, may alam. Ito ‘yung mga trabahante ng gobyerno na utusan mo, bigyan mo ng pera, makikita mo ‘yung results,” anang Pangulo.

Pinagsabihan rin ni Duterte ang mga kumakandidato sa darating na eleksyon na bigyan ng kalayaan ang mga botante na pumili ng iboboto at huwag takutin ang mga ito.

Kapag aniya tagilid ang isang kandidato, huwag takutin o i-terrorize ang mga ito.

“Let the people vote freely and not to terrorize them. Kung candidate ka, tagilid ka, huwag mong i-terorismo. Huwag mong galawin ang Pilipino kasi my oath of office – I promise to protect the people and preserve this nation, the Republic of the Philippines,” dagdag ng Pangulo. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy