Una sa Balita

Duterte sa mga bilyonaryo: ‘Di n’yo ako mabibili mahal ako!

0 963

NANINDIGAN si Pangulong Rodrigo Duterte na ang sorpresang pagkapanalo niya noong 2016 presidential elections ay ‘game changer’ dahil naputol ang kalakaran ng mga oligarko na ang binili nilang manok ang siyang nananalo sa halalan.

“They thought I wouldn’t win.That was the — that was really the…Just like all of you here. You didn’t expect me to win. Did you think I would win? You didn’t, right? But the problem is I won. And that is when everything got messed up,” wika ni Duterte sa harap ng mga dating rebelde sa Leyte.

“They were angry. I said you can’t beat me. Maybe you can buy the other presidents, but me, I’m too expensive,” dagdag pa niya.

Ilang beses nang sinabi ni Pangulong Duterte na iilang lokal na opisyal lamang ang sumuporta sa kanya noong 2016 presidential elections na kanyang pinagwagian ng milya-milyang kalamangan sa sumegundang si Mar Roxas.

Ang bilyonaryong si Manny Villar lamang ang lantarang sumuporta sa kandidatura ni Duterte.

Ayon pa kay Duterte, siya lamang ang tanging Pangulo na nagpaihi sa pantalon ng mga oligarko at hindi siya titigil hanggang hindi matutuldukan ang pagmamalabis ng mga ito.

“I am the only President who dared to go against the rich. Do you know why? I can’t run in an election anymore. What could be wrong with my g***…Son of a b****,” ani ni Duterte. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More