Una sa Balita

Duterte sa Kuwait: Bilog ang mundo, may karma

By
0 2,477

Hindi pa rin humupa ang galit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Kuwaiti dahil sa karumal-dumal na sinapit ng ilang overseas Filipino worker (OFW) at pananakit at pagmamaltrato sa mara­ming iba pang nagtrabaho sa Kuwait.

Sa kanyang pagsalubong sa mga umuwing OFW sa Ninoy Aquino International Airport mula sa Kuwait noong Martes ng gabi, hindi napigilan ng Pa­ngulo na ipaalala sa Kuwaiti government ang inambag ng Pilipinas noong panahong may giyera sa Iraq.

Nakakalungkot aniyang sinuklian ng kalupitan at pang-aabuso sa mga Pinoy ang malasakit na ipinakita ng gobyerno sa nabanggit na bansa.
“Alam mo Kuwait, ang mundo umiikot ha. Minsan yan mabilis masyado baka mag-abot yan ng tinatawag na karma. When that time comes, you will remember us,” anang Pangulo.

“Anong kasalanan ng mga kababayan ko? What’s the sin of my countrymen? Alam nyo mahirap lang kasi kami. Kaya nga pumunta yan diyan maghanapbuhay tapos ganunin niyo ang aming mga… lalo na mga babae.” banat pa ng Pangulo.