Una sa Balita

Duterte sa Kongreso: Walang babuyan sa mga imbestigasyon

By
0 3,886

Nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mambabatas na tratuhin nang maayos at irespeto ang mga ipinapatawag na opisyal ng gobyerno at mga heneral sa kanilang mga imbestigasyon at huwag ipahiya sa harap ng publiko.

Sinabi ng Pangulo na ayaw niyang makipag-away sa Kongreso subalit hindi hahayaang ipahiya ang kanyang mga opisyal katulad ng ginawa ng isang senador sa isang dating heneral na naging dahilan para magpakamatay ito.

Bagama’t hindi tinukoy ang pa­ngalan, malinaw na si Senador Antonio Trillanes IV ang pinatungkulan ng Pa­ngulo na naging dahilan umano ng pagpapakamatay ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff at Defense Secretary Angelo Reyes.

Sinabi ng Pangulo na kapag hindi igi­nalang ng mga kongresista o mga senador ang dignidad ng mga ipinapatawag na mga heneral ay aatasan niya ang mga ito na layasan ang imbestigasyon.

“Sana wala lang babuyan because I do not want to violate the Constitution. I’m telling Congress now with due, with the utmost respect: Please treat them as if they are really a general, a cabinet member and officer. Do not demean them before the public. Huwag lang ninyong babuyin kasi my orders would be: If you are degraded, if you are inflicted with the wounds of your dignity as a person, stand up and go out. If you are arrested, I will object. ‘Pag hindi kayo binitawan, I will go to Congress even alone to get you,” anang Pangulo.

Ang nangyayari ngayon ayon sa Presidente ay ginagaya ng mga mambabatas ang mga Amerikano na mga bastos aniya at hindi marunong kaya kapag ipinatawag ang isang opisyal sa imbestigasyon ay iisipin ng publiko na guilty at talagang may kasalanan ang mga ito dahil sa hindi magandang pagtrato ng mga mambabatas.

“And if I die in the process, let it be. Let it be. Because over and above these things, the Constitution individually and collectively protects the Filipino and his dignity,” dagdag pa ng Pangulo.