Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Duterte sa Kongreso: Batas pa kontra korapsyon ipasa

0 203

HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lider ng Kongreso na magpasa ng batas na naglalayong lumusaw sa red-tape sa gobyerno na sagabal sa mga negosyante.

Nakipagpulong si Duterte kina Senate President Vicente Sotto III, House Speaker Alan Peter Cayetano, at House Majority Leader Martin Romualdez sa Malago Clubhouse sa Malacañang nitong September 16 at kanyang inilatag ang kahilingan.

SM food to go Banner Ad

“Hiningi po ng Presidente sa mga congressional leaders na magpasa pa ng mga karagdagang lehislasyon o mga polisiya para mapabilis ang proseso ng matulungan ang mga negosyante sa panahon ng pandemya,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kahapon.

“Wika nga ni Presidente, takot na nga sila sa panahon ng pandemiya, mabagal pa ang proseso sa panig ng gobyerno,” giit pa ni Roque.

Nangako naman umano ang liderato ng Senado at Kamara na magpasa ng dagdag na batas na bubura sa burukrasya at korapsyon sa gobyerno. (Prince Golez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.