Una sa Balita

Duterte sa Karapatan: Mga demonyo kayo!

0 527

TINAWAG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang grupong Karapatan na samahan ng mga demonyo.

Sa harap na rin ito ng mga nagaganap na mga pagpatay sa Negros Oriental na kagagawan ng New People’s Army.

Sa kanyang talumpati sa distribusyon ng titulo ng lupa sa Davao City, Biyernes nang gabi, tahasang sinabi ng Pa­ngulo na ang grupong Karapatan ay front ng kilusang komunista.

Ang nabanggit na grupo aniya ang nag-uudyok at nagpapalakas sa mga armadong grupo sa Negros para maghari-harian sa lalawigan at pumatay ng mga hindi sumusunod sa kanila

“Kayong mga Karapatan, mga samahan ng mga demonyo ng Pilipinas. You know what you did in Negros, it did—is not just fighting. The danger there is you are now implementing the commune system of the discredited communist party strategy,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na naging chapter president siya noon ng National Alliance for Justice, Freedom and Democracy bago ito pinalitan ng pangalan na Karapatan, na front ng kilusang komunista kaya alam niya ang ginagawa ng mga ito.

Pumalag din ang Pangulo sa akusasyon ng grupo na ang gobyerno ang pasimuno ng patayan sa Negros.

Kung siya umano ang nag-utos ng patayan sa lalawigan, baka ginawa niyang pataba sa lupa ang labi ng mga nasawi.

“You are liars. I… Kanila man ‘yun. Sila ‘yung farmer­s dito. Nag-meeting sila nu’ng farmers ng federation pati ‘yung grupo. Hindi sila nagkaintindihan, nagbarilan. Tapos china-charge ka—ang gobyerno. Ako raw.

Why would I kill? What for? Use you as your… If I can use your carcass as a fertilizer, I might do that to increase the yield.” galit na pahayag ng Pangulo.

Dahil sa hindi matapos-tapos na karahasan sa Negros Oriental, inatasan ni Pangulong Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ibigay ang nararapat para sa mga rebeldeng NPA.

Sinabi ng Pangulo na ginawa na niya ang lahat at binigyan pa ng bahay at mapagkakitaan ang mga nagbalik-loob sa gobyerno, subalit patuloy namang naghahasik ng karahasan ang kanilang mga kasamahan.

“Itong mga komunista, they are blaming the government for the killings, when actually you started the spate of murders there. Ang pinakamarami ng tama, the hardest hit, group of government men are soldiers, policemen and people who are openly for the government and mga barangay captain,” anang Pangulo.

Sinabi pa ni Pangulong Duterte na pati mga guro, at principal ay pinapatay ng mga komunista.

Hindi rin maitago ng Pangulo ang galit sa mga komunis­ta sa ginawang brutal na pagpatay sa apat na pulis matapos pahirapan ang mga ito.

Ayon sa Pangulo, ginamitan ng Gilette (blade) ang isa sa mga pulis habang pinapahirapan ng mga rebelde bago pinatay.

“I will not allow you to do that. I will give you tit for tat. That’s my order to the military. Give them what they deserve. They are not fighting a conventional war. They are not obeying the Geneva Convention,” dagdag pa ng Pangulo. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy