Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Duterte sa foreign contractor: Soli bayad! P1.3B Wi-Fi project inatras dahil sa suhulan

0 84

Pinasosoli ng Malacañang ang perang ibinayad ng gobyerno sa dayuhang kompanyang kinontrata para sa implementasyon ng P1.3 bilyong proyekto sa libreng Wi-Fi sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ipinatitigil na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Australian-based company na Speedcast Limited ang kanilang trabaho at ibalik ang perang ibinayad sa kanila dahil sa kabagalan umano nito na matapos ang proyekto.

Nakarating na rin aniya sa Palasyo ang kontrobersiya ng umano’y tangkang panunuhol ng kompanya sa Bureau of Customs (BOC) para magpasok ng undervalued imported component sa bansa.

“With this latest controversy, ang posisyon po ng Presidente ay itigil na ‘yong involvement nitong current foreign contractor at ibalik na ‘yong mga pera na naibayad na sa kanila dahil pupuwedeng ipagpatuloy na iyan ng ating DICT,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na taong 2015 pa ang kontrata ng Speedcast Ltd. subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ang proyekto na aniya ay nakakadismaya dahil sa kabagalang matapos ang ipinangakong libreng Wi-Fi ng gobyerno.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I have a personal interest po rito sa libreng Wi-Fi dahil ako po ay naging pangunahing author ng libreng Wi-Fi na batas noon 17th Congress. Tapatan lang po, mula noon hanggang ngayon ay talagang medyo nakakabahala po ‘yong bagal ng pag-implement nitong libreng Wi-Fi,” dagdag ni Roque.

Dapat magtatayo ng 120,000 libreng Wi-Fi site sa buong Pilipinas, subalit mahigit 10,000 lang ang naitatayo hanggang ngayong 2021.

Sinabi ni Roque na pupuwede ng ipagpatuloy ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang proyekto dahil may kakayahan na ang ahensiya na magpatayo ng Wi-Fi sites para sa libreng Wi-Fi.

Katunayan aniya ay nakapag-ins¬tall na ang DICT ng 500% Wi-Fi sites, kumpara sa itinayo ng nabanggit na foreign contactor mula 2015 hanggang 2019.

Dahil dito sinabi ni Roque na kailangan mag-double time ng DICT upang magkaroon ng katuparan ang libreng Wi-Fi sa buong bansa hanggang sa pagtatapos ng termino ni Pa¬ngulong Duterte. (Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.