Una sa Balita

Duterte sa Davao magpapalipas ng Semana Santa

0 194

SA Davao City magpapalipas ng Semana Santa si Pangulong Rodrigo Duterte para magnilay-nilay at magpahinga sa panahon ng pangilin.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na kalimitang sa bahay lamang nito sa Davao City nananatili ang Pangulo tuwing Semana Santa tulad ng mga nakalipas na taon.

Simpleng tao lang aniya ang Pangulo at mas gugustuhin nitong sa Davao City lamang magpahinga kaysa lumabas at magpalamig sa ibang bansa.

Pero sinabi ni Andanar na hindi pa niya alam kung ano ang plano ni Pangulong Duterte sa susunod na linggo.

“Usually naman ‘pag Holy Week ay si Presidente nasa Davao lang at nagpapahinga doon. The President is a very simple person, hindi naman niya kaila­ngan na magpunta sa Amerika para magpalamig; mas gugustuhin niya na doon na lamang sa kanyang magandang siyudad sa Davao City magpahinga,” ani Andanar.

Pero sinabi ng kalihim na bagama’t bakasyon kung ituring ng mga Pilipino ang semana santa, patuloy aniyang naka-monitor ang Malacañang sa sitwasyon sa buong bansa.

Magtatrabaho pa rin aniya ang mga awtoridad para matiyak ang kaayusan at kapayapaan habang ginugunita ng mga Pilipino ang semana santa. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy