Una sa Balita

Duterte sa China: Kaligtasan ng mga mangingisdang Pinoy tiyakin

0 410

NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na makakuha ng katiyakan sa China na maigagalang ang karapatan at kaligtasan ng mga mangingisdang Pilipino sa mga teritoryong pinag-aagawan sa South China Sea.

Inihayag ito ng Pangulo sa ginanap na ika-39 cabinet meeting sa Malacañang Lunes nang gabi.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na natalakay sa cabinet meeting ang nangyaring insidente sa Recto Bank.

Nais aniya ni Pangulong Duterte na mabuksan ang insidente sa Recto Bank sa magaganap na bilateral meeting sa China.

“The Cabinet discussed the Recto Bank incident where the President told the Cabinet that the incident be discussed during the bilateral meeting with China. The President wanted China’s assurance that the rights and safety of our fisherfolks are guaranteed,” ani Panelo.

Ang pagbangga ng Chinese vessel sa bangka ng 22 Pilipinong mangingisda noong nakalipas na buwan ay naging malaking isyu dahil sa halip na iligtas ang mga mangi­ngisda ay inabandona pa sa gitna ng karagatan. (Aileen ­Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy