Una sa Balita

Duterte sa bagong AFP chief: Tapusin ang komunista

0 208

NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin o tuldukan ng bagong liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang problema sa Kilusang Komunista.

Ito ang marching order ng Pangulo sa bagong pinili nitong Chief of Staff ng AFP na si Lt. Gen. Noel Clement.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nais ng Presidente na ipagpatuloy ni Clement ang adhikain ng gobyerno na matapos ang problema sa mga lokal na komunista.

Naniniwala ang Palasyo na hindi na bago ito sa incoming Chief of Staff dahil sa malawak na karanasan nito sa mga hinawakang puwesto.

“One of the marching orders of the President is to continue the governments’s goal to end the local communist armed conflict,” ani Panelo.

Tiwala ang Malacañang na ipagpapatuloy ng incoming AFP Chief ang mataas na antas ng propesyonalismo, dedikasyon at integridad sa hanay ng Hukbong Sandatahan sa patuloy na pagprotekta sa bansa at sa sambayanan.

“The Palace is confident that with General Clement at the helm of the AFP, he will continue to uphold the high degree of professionalism, the dedication and the integrity our soldiers have displayed to the flag and country,” dagdag pa ni Pane­lo. ­(Aileen Taliping/Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy