Una sa Balita

Duterte, Robredo ‘di nag-imikan sa muling pagkikita

By
0 376

NAGKITA muli sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa 40th commencement exercises ng Philippine National Police Aca­demy (PNPA) sa Camp Gen. Mariano N. Castañeda sa Silang, Cavite nitong Biyernes, Marso 22.

Nagkamayan lang ang Pangulo at Pangalawang Pangulo at hindi na nag-usap ang mga ito.

Kapwa panauhin ang dalawang opisyal sa okasyon na nagsimula alas-otso ng umaga.

Ang commencement ceremony ang hudyat ng pagsisimula ng career ng 201 kadete ng PNPA ­bilang mga bagong opisyal ng pambansang pulisya.

Nanguna sa mga kadete si Cadet Jervis ­Allen Ramos, anak ng mahirap na pamilya mula sa ­Tondo, Manila.

Kasama ng Pangulo sa aktibidad ang mga ­mataas na opisyal ng Philippine National ­Police, ilang miyembro ng gabinete at mga lokal na ­opisyal ng Cavite.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy