Una sa Balita

Duterte: Reopening ng Boracay simplehan lang

By
0 307
 
 
Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na simple  lang ang gawing paghahanda sa muling pagbubukas ng Boracay Islands sa Oktubre 26.
 
Ito ang inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) officer-in-charge Eduardo Año bilang tagubilin ni Pangulong Duterte sa kanya. 
 
Kasabay nito, sinabi ni Año na pinagawa rin ni Duterte sa iba pang beach sa iba pang bahagi ng bansa ang ginawang paglilinis sa Boracay. 
 
“Ang tasking niya is, look on the other tourist resorts around the country. Dapat kung ano ang ginawa sa Boracay, dapat standard na ‘yan sa buong Pilipinas,” ayon kay Año.
 
Matatandaan na may 6 na buwan isinara ang isla para bigyang-daan ang malawakang rehabilitasyon.
 
Ngayong araw ang itinakdang soft opening ng Boracay  kung saan ay matinding paghihigpit ang ipa­tutupad sa mga ipinairal na panuntunan ng Department of Tourism (DOT).