Una sa Balita

Duterte, Ramirez tsikahan sa 30th SEA Games update

0 251

NAKATAKDANG magpulong sina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Team Pilipinas chef de mission at Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez bago d­umating ang Biyernes upang pag-usapan ang lahat ng mga detalye at ilang mahahalagang isyu sa iho-host ng bansa na 30th Southeast Asian Games.

“Butch Ramirez will meet the president before Friday,” sabi sa text message ng isang mataas na opisyal ng PSC.

Gayunman, hindi l­amang ang usapin sa paglalabas ng isang Exe-cutive Order (EO) na magbibigay karapatan sa PSC at iba pang ahensiya ang inaasahang pag-uusapan.

“We are very careful about the situation,” sabi lamang ni Ramirez sa panayam dito matapos ang pakikipag-usap sa lahat ng mga mga pambansang atleta sa PhilSports Arena. “We are closely looking at any possible intervention that may happen. We need a very careful study on this.” (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy