Una sa Balita

Duterte, Putin muling magkikita

0 234

INAASAHANG muling magkikita sina Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang ‘idol’ na si Russian President Vla­dimir Putin.

Ito ay dahil sa nakatakdang biyahe ng Pangulo sa Russia sa susunod na buwan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na muling inimbitahan ni Putin si Pangulong Duterte sa ikalawang pagkakataon para bumisita sa Russia.

“Ang sabi niya ay inimbitahan siya ni Russian President at tinanggap na niya. Ia-announce niya na lang kung ano ang mangyayari doon,” dagdag ni Panelo.

Matatandaang u­nang bumiyahe ang Presidente sa Russia noong May 2017 suba­lit agad ding bumalik sa bansa dahil sa paglusob ng mga terorista sa Marawi City.

Naging panandalian lamang ang pag-uusap ng Pangulo at ni Putin noong 2017 dahil kinakailangang bumalik agad ito sa bansa dahil sa Marawi siege.

Wala pang itinakdang petsa ang biyahe ng Presidente subalit tiniyak ng kalihim na gagawin ito sa susunod na buwan. (Aileen Taliping/Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy