Una sa Balita

Duterte posibleng patulan ang US trip — Panelo

0 501

MAAARING dumalo si Pangulong Rod­rigo Duterte sa summit sa pagitan ng Estados Unidos at mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na gaganapin sa Las Vegas sa Marso.

“Given that this is an ASEAN ­meeting of leaders baka ma-persuade si Presidente. But I will ask him,” wika ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Sinabi ni Panelo na hindi pa niya nakakausap si Pangulong Duterte hinggil sa isyu kaya hindi pa nito masabi kung pauunlakan ng Presidente ang imbitas­yon ni Trump.

Nabanggit na aniya noon ng Pa­ngulo na wala siyang balak bumiyahe sa Amerika kahit pa may personal na imbitasyon si President Trump dahil hindi nito kaya ang malamig na klima.

Pero sinabi ni Panelo na baka sa pagkakataong ito ay mahikayat ang Presidente na bumiyahe sa Estados Unidos dahil ang summit ay patungkol sa ASEAN, kung saan miyembro ang Pilipinas.

Hindi naman nabahala ang kalihim sa Magnitsky Act kung saan hindi umano papayagang makapasok sa Amerika ang mga opisyal ng Pilipinas na may kinalaman sa pagpapakulong kay Senadora Leila de Lima.

Sinabi ni Panelo na wala sa probisyon ng nabanggit na batas ang ipinamamalita ng oposisyon na ban sa mga opisyal ng gobyerno. (Aileen Taliping/Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More