Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Duterte pinakilalang VP si Sotto

0 140

Mistulang nagpahiwatig ng pagsuporta si Pangulong Rodrigo Duterte kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na matunog na tatakbong bise presidente sa 2022 matapos nitong tawaging bise presidente sa isang okasyon sa Pampanga nitong Sabado.

Sa talumpati ng Pangulo sa inagurasyon sa Clark International Airport ay pabiro nitong tinawag na ‘vice president’ si Sotto.

“President Gloria Macapagal Arroyo, Vice President Vicente Sotto… ay, ay, ay, ay, ay! ‘Senate President,’” lahad ni Duterte.

Napakamot na lang sa ulo ang Senate president habang tumatawa ang mga dumalo sa event.

Matatandaan na pinag-iisipan ni Sotto ang pagtakbo sa 2022, kung saan balak nitong maka-tandem si Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson.

Dati na ring sinabi ng Malacañang na kanilang tanggap ang posibleng tambalan nina Lacson at Sotto. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.