Una sa Balita

Duterte, ‘pathological liar’ – Trillanes

By
0 7

Hinamon ni Sen. Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte na kasuhan siya sa diumano’y pangingikil niya sa mga negosyante sa bansa.

Iginiit ito ni Trillanes matapos sabihin ni Pangulong Duterte sa Filipino community sa Thailand na maraming takot sa senador dahil nagkokolekta yan sa mga malalaking negosyante.

“That is a lie coming from a pathological liar. Kung totoo yan, ilabas niya ang mga detalye at kasuhan niya ako. Haharapin ko yan,”diin ng senador.

Aniya, noong mag-akusa siya kay Duterte na may hidden wealth itong P2 bilyon, naglabas umano siya ng ebidensiya para patunayan ang kanyang akusasyon hindi katulad ng Pangulo na puro dakdak lang.

“Kasi ako, nilabas ko ang mga specific details, documents, mga testigo at kinasuhan ko sya para suportahan ang mga alegasyon ko laban sa kanya. Pero nagtatago sya hangang ngayon. Kaya tama na ang pambobola, buksan mo na ung mga bank accounts mo,”giit pa ni Trillanes.

Noong 2016 pa nagsampa ng plunder case si Trillanes laban kay Duterte dahil sa hindi isinama ng Pangulo sa kanyang Statement of Assets  Liabilities and Net worth (SALN) ang higit P2 bilyong account sa bangko.

Nitong Enero lamang, muling hinamon ni Trillanes si Duterte na pabuksan ang kanyang bank account upang patunayan sa publiko na wala talaga itong ganitong kalaking pera.

Isiniwalat pa ni Trillanes na bukod sa joint account ni Duterte at anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte, ikinalat din ni Duterte ang kanyang tagong-yaman sa account nina Vice-Mayor Paolo Duterte at Sebastian Duterte, gayundin ang common-law wife nitong si Honeylett Avanceña.