Una sa Balita

Duterte: Pasaway na minahan bombahin na

By
0 2,275

Bobombahin ng Philippine Air Force (PAF) ang mga minahan sa Mindanao kapag hinditumigil sa kanilang operasyon sa kabila ng matinding perwisyo na ang idinudulot nito sa rehiyon.

Ipinahayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pakikipagpulong sa mga sumukong miyembro rebeldeng New People’s Army (NPA) na kanyang hinarap sa Malacañang noong Miyerkoles.

Kasabay nito, inatasan ng Pangulo si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na tingnan ang sitwasyon ng pagmimina sa rehiyon dahil matindi na ang pinsalang iniwan nito.

Sinabihan na umano niya ang kanyang gabinete tungkol sa kanyang paninindigan laban sa open pit mining na labis na nakasisira sa kalikasan at hindi niya papayagang lumala pa nang hustoang sitwasyon dahil ang mga nangyaring landslide at flashflood noong huling quarter ng 2017 ay dahil sa pagmimina na nagdulot ng maraming pagkamatay ng mamamayan ng Mindanao.

“It pains me to look at the mountains from the sky. The holes resemble fish ponds. They look like bottle caps. That is the state of our rural areas. It’s really not good for the… I think that the tax will be lower for the mining companies but I will ban the operation of open pit mining,” ayon kay Pangulong Duterte.

Nagbabala ang Pangulo na kapag may makita pang nag-o-operate na open pit mining ay pasasabugin ito ng PAF para hindi na mapakinabangan.
“If some open pit mining will still be operating, I’ve instructed the Air Force to bomb it. The pits will be made even larger and when it explodes, everything will be buried along with it,” dagdag pa ng Pangulo.

Pinapayagan dati sa ilalim ng Philippine Mining Law ang open pit mining subalit ipinagbawal ito nang manungkulan si Gina Lopez bilang kalihim ng DENR.
Nag-isyu si Lopez ng Department Administrative Order 2017-10 kung saan ay ipinagbawal nito ang open pit mining method dahil sa aniya’y nakasisira ito sa kalikasan gayundin sa kabuhayan ng mga apektadong pamilya.

Sinuportahan naman ito ni Pangulong Duterte at ibinasura ang rekomendasyon ng Mining Industry Coordinating Council na alisin na ang ban sa open pit mining.

“I’ve already told General Cimatu. I told him, ‘Look at the situation closely. Don’t go into mining because the mining industry is already very big and I won’t allow the situation to worsen,’” ayon pa sa Pangulo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More