Una sa Balita

Duterte OK sa hiwalay na CR ng LGBTQ+

0 315

NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng hiwalay na restroom ang mga miyembro ng LGBTQ­+ community.

“Ang sinasabi niya, dapat meron ng third restroom for them. Sinabi niya, pinag-usapan namin iyon kahapon,” ani Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Kung magkakaroon umano ng hiwalay na rest­room sa kanila, maiiwasan ang diskriminasyon sa hanay ng lesbian, gay, bisexual, transgender at queer community.

“Tama naman iyon, ako I agree na kailangan talaga may third restroom for them para wala nang problema ‘di ba, that will solve everything. Kasi papasok ka sa female, siyempre hindi rin kompor­table iyong mga babae, alam nilang lalaki pala iyon; ganundin sa kabila, ‘di ba. So the best is you have a third restroom for them, ‘di wala nang problema,” paliwanag pa ng chief Presidential legal counsel.

Nang matanong naman kung susuportahan din ng Pangulo ang pagpapatibay ng panukalang Sexua­l Orientation and Gender Identity and Expression Equality o SOGIE bill, sinabi ni Panelo na posibleng suportahan ito ng Pangulo.

“Given the way he says that dapat merong third, di logically suportado niya iyon. Lalo pa sinabi niya, dapat talaga all should be equal, lahat kaila­ngan may rights.” saad ni Panelo.

Umusok ang usapin ng hiwalay na comfort room sa LGBTQ+ matapos pagbawalan ang isang transgender sa CR ng mga babae sa Farmers Plaza, Cubao, Quezon City noong nakaraang linggo. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy