Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Duterte nirendahan overpricing ng mga gamot

0 126

Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang Executive Order para sa regulasyon ng presyo ng mga gamot sa bansa.

Sinabi ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles na ang EO ay nag­lalayong makabili ng mura subalit de kalidad na gamot ang publiko at mabawasan ang gastos sa maintenance sa mga sakit.

“President Duterte has signed an executive order that would regulate the prices of drugs and medicines used to address the leading causes of morbidity in the country,” ani Nograles.

Pirmado ng Pangulo ang EO No. 155 noong Disyembre 7,2021.

Nakapaloob sa direktiba ni Pangulong Duterte na ang price regulation ay ipapatupad sa 34 drug molecules at 71 drug formulas sa pamamagitan ng Maximum Retail Price (MRP) at Maximum Wholesale Price (MWP), gaya ng analgesics, anesthetics, anti-angina, antiarrhythmics, anti-asthma at chronic obstructive pulmonary disease medicines, antibiotics, anticoagulants, anticonvulsants, anti diabetic drugs, antidiuretics at antiemetics.

Sakop din ng EO ang mga gamot na ginagamit laban sa glaucoma, anti-hypercholesterma, antihypertensive, anti-neoplastic, anti-cancer, antiparkinsons, psoriasis, iron chelating agents at iba pa.

Ang mga mapapatunayang hindi susunod na direktiba ay pagmumultahin ng mula P50,000 hanggang limang milyong piso alinsunod sa probisyong nakapaloob sa Republic Act 9502 o ang Universally Accessible Cheaper and Quality Medicines Act of 2008. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.