Duterte nauunawaan ni Erap

By

Nakiusap ang da­ting pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada sa publiko, kasama na ang ilang senador na kumu­kwestiyon sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte na hayaan na lang munang makapagpahinga at mapag-isa ang lider ng bansa.

“Let’s give him the privilege of being alone for a while. It’s hard to be a president, ‘di lang ‘yan ang problema ng bansa,” pahayag ni Estrada sa mga mamamahayag sa ginanap na presentation ng 30 kandidata ng Miss Manila 2017 pageant sa Manila City Hall.

“Nanggaling na ako diyan, e, palagay ko nagpapahinga lang,” sagot ni Estrada nang tanu­ngin kung ano sa tingin niya ang dahilan kung bakit hindi nagpakita si Duterte sa publiko sa loob ng nakalipas na limang araw.

Sinabi pa ni Estrada na malamang aniya ay gumugugol lang si Duterte ng mas maraming oras kasama ang kanyang mga adviser upang hanapan ng solusyon ang mga problema ng bansa, una na rito ang krisis sa Marawi. 

SHARE