Una sa Balita

Duterte natawa lang sa ulat na inatake siya

0 330

NATAWA na lamang umano si Pangulong Rodrigo Duterte matapos mapaulat na inatake ito at isinugod sa Cardinal Santos Hospital noong Linggo nang umaga.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nakausap niya ang Presidente alas -10:00 nang umaga noong Linggo at natawa na lang ito sa mga kumakalat na balita.

Ayon kay Panelo, sanay na aniya ang Presidente na ginagawan ng intriga ng mga kalaban kapag hindi nakikita sa publiko.

“Natatawa lang siya, palagi namang ganyan lalo na pag ‘di siya makita eh. Maraming haka-haka. Sanay na ‘yun eh,” ani Panelo.

Wala aniyang balak si Pangulong Duterte na buweltahan o kasuhan ang mga nagpapakalat ng maling balita sa kanya at hahayaan na lamang aniya ito.

Sinabi ni Panelo na maayos ang kondisyon ng Pangulo at kahit hindi ito nakikita sa publiko ay nagtatrabaho ito gaya ng mga private meeting nito na hindi kailangang ipakita sa media.

Sinabi pa ng kalihim na regular ang checkup ng Presidente kaya walang dapat na ipag-alala ang publiko. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy