Una sa Balita

Duterte naospital fake news — Palasyo

0 220

ITINANGGI ng Malacañang nitong Linggo na isinugod sa ospital si Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

Ginawa ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang paha­yag matapos kumalat ang tsismis na naka-confine umano si Pangulong Duterte sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan.

“There is no truth to the rumor,” diin ni Panelo.

“The President is in his residence at the Palace signing papers. I just talked to him, he is neither confirming nor denying that he went to the hospital,” dagdag pa niya.

Nagbigay din ng pahayag si Capt. Zeerah Blanche Lucrecia ng Presidential Security Group at tiniyak na maayos ang kalusugan ng Pangulo.

“For info, as of last night and today, no such incident involving the President took place,” saad ni Lucrecia.

Matagal nang usap-usapan ang lagay ng kalusugan ng Pangulo. Noong 2018, inamin ni Duterte na nagtagal siya ng isang oras sa Cardinal Santos Medical Center para sa proseso ng endoscopy at colonoscopy.

“I don’t know where I’m now physi­cally, but I have to wait for that…But I will tell you it it’s cancer, it’s cancer. And if it’s third stage, no more treatment. I will not prolong my agony in this office or anywhere,” pahayag pa noon ng Pangulo.

Naglabas naman ng mga larawan si dating Special Assistant to the President Bong Go upang patunayan na nasa maayos na kondisyon ang Pangulo.

Ilan sa kanyang pinadalang lara­wan ay makikitang magkasama sina Duterte at Go sa Bahay Pangarap at nagbabasa ng dyaryong lumabas nitong Linggo ang Pangulo, habang ang isang larawan ay makikitang kumakain silang dalawa. (Prince Golez/Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy