Una sa Balita

Duterte nakauwi na, bumisita kay Pimentel

By
0 326

Nakabalik na sa Pilipinas si Pangulong Rodrigo Duterte sa Pilipinas mula sa Japan at dumiretso sa burol ni dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr. sa Heritage Park sa Taguig City.

Pasado alas-diyes noong Martes ng gabi dumating sa bansa ang Pangulo at kahit masakit ang likod ay dumiretso ito sa burol ng dating Senate President para makiramay.

“Notwithstanding his trip to Japan being cut short due to a searing pain in the spinal pelvic area of his body, the President was able to endure the same and headed from Villamor Air Base in Pasay City to the wake of former Senate President Aquilino “Nene” Pimentel, Jr.,” ani Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Ayon sa kalihim, si Pimentel ay personal na kaibigan ng Presidente at kinikilala nito ang mga mahalagang kontribusyon nito sa bansa, lalo na ang pagiging lingkod-bayan nito sa mga Pilipino.

Kasamang nakiramay ng Pangulo si Senador Bong Go at malugod na tinanggap ng pamilya Pimentel.

Hindi tinapos ni Duterte ang biyahe sa Japan matapos dumalo sa pagluklok sa trono kay Emperor Naruhito dahil sa iniindang sakit sa kanyang likod matapos sumemplang sa motorsiklo noong nakalipas na linggo. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy