Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Duterte nakabitin booster shot

0 126

Hindi napag-uusapan sa Malacañang ang posibilidad na bigyan ng booster shot si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ng Palasyo sa harap ng pagbibigay ng go signal ng World Health Organization (WHO)sa US-FDA na bigyan ng third shot ang mga naturukan ng Sinopharm at Sinovac vaccines.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na wala siyang naririnig para sa third shot ni Pangulong Duterte dahil ang tutok ngayon ng Malacañang ay pabilisin ang pagbakuna sa buong bansa.

“I have not heard of any talk about the third shot no and we’re still focused on increasing the total vaccination rate in the country which is 30%, although Metro Manila has reached 80%,” ani Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.