Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Duterte nagsisi naka-tandem si Cayetano

0 406

Kung may pagkakataon lang ay si dating Bongbong Marcos na lang dapat umano ang pinili ni Pangulong Rodrigo Duterte maging running mate noong 2016 national elections kaysa si House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ayon ito sa report ng isang online news kung saan ay nabanggit diumano ito sa meeting ng Pangulo kasama ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) bago ang public address dahil sa gusot sa Kongreso na posibleng matamaan ang 2021 national budget.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Details of the meeting were not immediately available, but it was said that he told military and police officials that he regretted picking Cayetano over former senator Ferdinand Marcos Jr. as his running mate in 2016,” ayon sa isang online news.

Matatandaang sa nasabing talumpati ay sinabi ni Duterte sa mga kongresista na dapat ay maayos na nila ang bangayan sa Speakership at ipasa ang proposed national budget, dahil kapag hindi ito nagawa ay siya na ang aaksyon.

“Either you resolve the issue in your impasse and pass the budget legally or constitutionally. Pag hindi ninyo ginawa, ako ang gagawa para sa inyo,” saad ni Duterte. (RP)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.