Una sa Balita

Duterte nagpugay sa hero cop ng Misamis Oriental

0 270

Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang burol ng tinaguriang ‘hero cop’ ng Misamis na si PSMS. Jason Magno na namatay makaraang protektahan ang mga mag-aaral sa pagsa­bog ng granada sa Initao, Misamis Oriental noong Nobyembre 28.

Personal na ipina­abot ng Pangulo ang pakikiramay sa pamilya ni Magno at ginawaran ito ng pos­thumous Medal of Valor.

Ginawaran din ni Du­terte ang nasawing pulis ng Order of Lapu-Lapu Magalong Medal.

Nasawi si Magno matapos sumabog ang granadang hawak ng suspek na si Ibrahim Bashier sa isang eskuwelahan habang inaaresto ito.

Nasugatan sa insidente ang kasamahang pulis ni Magno na si PSMS. Alice Balido na ginawaran din ng Pa­ngulo ng Order of Lapu-Lapu Kampilan Me­dal at binigyan ng tulong pinansiyal, bagong baril, relo at cellphone.

Bago ang pagdalaw ng Pangulo sa burol ng nasawing pulis ay nanggaling muna ito sa Legazpi City kung saan binisita ang lawak ng pinsalang iniwan ng bagyong ‘Tisoy’. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy