Una sa Balita

Duterte nagpasalamat sa malakas na ulan sa Davao, Bacolod City

0 318

IPINAGPASALAMAT ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-ulan sa Davao at sa Bacolod City dahil sa nararanasang El Niño phenomenon sa bansa.

Ilang oras bago siya dumating sa Bacolod City Huwebes ng gabi para mangampanya para sa mga kandidato ng administrasyon ay umulan ng malakas subalit hindi umalis ang mga taong naghihintay sa kanya.

Sinabi ng Pangulo na bagamat nabasa ang maraming tao ay nagpasalamat pa rin ito sa Diyos dahil sa ulan.

Ayon sa Pangulo, malaking bagay ito para sa mga magsasaka na naapektuhan ng El Niño dahil natutuyot na ang kanilang mga pananim.

“Well, I’m really sorry but it’s also raining in Davao — kagabi malakas rin. I don’t know but more than anything else I’d like to thank God for the rain. We are suffering from the El Niño phenomenon and we need rain more than — mas kailangan ng Pilipino kaysa tao tayo dito,” anang Pangulo.

Pinasalamatan no Pangulong Duterte ang mga dumalong taga-Bacolod sa campaign rally na aniya ay maganda ang ipinapakitang pakikisama para sa darating na eleksiyon.

“Well, of course, I appreciate your sacrifice and sinabi ko na… Well, maganda ang ipinapakita ninyong camaraderie sa eleksyon na ito kasi importante,” dagdag pa ng Pangulo.

Ang epekto ng matinding tagtuyot ang isa sa tinututukan ngayon ng administrasyon lalo na sa sektor ng agrikultura dahil sa mga pananim na natutuyo dahil sa kawalan ng sapat na tubig. (Aileen taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy