Una sa Balita

Duterte nagpasalamat sa Kongreso sa pinagkaloob na special power

0 363

Personal na pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang liderato ng Kamara at Senado sa ibinigay na special powers para epektibong matugunan ang pagsubok na hatid ng coronavirus disease 2019 sa bansa.

Sa kanyang mensahe sa sambayanan noong Martes ng gabi, pinuri ng Pangulo ang matatag na liderato nina Senate President Vicente Sotto III at House Speaker Alan Peter Cayetano para pangunahan ang pagpasa sa ” Bayanihan to Heal as One Act” sa ipinatawag na special session nitong Lunes.

Maging ang mga miyembro ng Kongreso ay pinapurihan din ng Pangulo dahil sa positibong pagtugon sa urgent request ng Ehekutibo.

“I thank Senate President Vicente Sotto III and House Speaker Alan Peter Cayetano for the strong and decisive leadership you have demonstrated in shepherding this measure to fruition during this critical time in our national history,” anang Pangulo.

Makakagalaw na aniya ang ehekutibo para sa interes ng sambayanan sa panahong ito kung saan nahaharap ang mga Pilipino sa krisis na hatid ng COVID-19.

Sa pamamagitan ng special powers na ibinigay ng Kongreso kay Pangulong Duterte, magagawa na nitong ire-align ang 2020 national budget para magamit sa paglaban sa COVID-19.

Binabalangkas na aniya ng mga pangunahing ahensiya ng gobyerno ang implementasyon ng National Action Plan o NAP para maisulong ang mga hakbang ng Department of Health(DOH) laban sa COVID-19.

Kabilang dito ang Department of National Defense (DND), Department of Interior and Local Government (DILg), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP). (Aileen Taliping)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More