Una sa Balita

Duterte nag-stopover sa Cebu para sa kasalan

By
0 411

NAG-STOPOVER si Pangulong Rodrigo Duterte sa Cebu noong Huwebes nang gabi para dumalo sa isang kasalan.

Nabatid na tumuloy sa Cebu ang Pangulo pagkagaling sa Bohol kung saan dumalo siya at nagbigay ng talumpati para sa 25th National Convention ng Vice Mayors League of the Philippines.

Ayon kay Supt. Artemio Ricabo ng Cebu City Police, dumalo si Pangulong Duterte sa isang kasalan na ginanap sa Cebu Grand Convention Center.

Hindi umano inanunsiyo sa media ang nasabing schedule ng Pangulo sa kasalan at hindi rin pinayagan ang mga mamamahayag na makapana­yam ito.

Napag-alaman pa na dakong alas-9:25 nang gabi ay umalis na rin si Pa­ngulong Duterte at bumiyahe ulit pabalik ng Maynila.