Una sa Balita

Duterte nag-sorry ulit!

By
0 2

Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa Jewish community na nasaktan sa naging pahayag niya noong Biyernes na gagayahin daw niya si Adolf Hitler.

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi niya intensyon na saktan ang damdamin ng mga Jewish sa buong mundo, kundi bumuwelta lang siya sa mga taong nagkumpara sa kanya kay Hitler.

Magugunita na 6 na milyong Jewish ang ipinapatay ni Hitler noong World War II dahil lamang sa paniniwalang malas sila sa bansang Germany.

“There was never an intention on my part to derogate the memory of six million Jews murdered by the Germans,” wika ng Pangulo nang maging panauhin sa opening ceremonies ng Maskara ­Festival sa Bacolod City.

“…I apologize profoundly and deeply to the Jewish. It was never my intention but the problem was I was criticized using Hitler comparing to me,” ayon sa Pangulo.

Pero nanindigan naman si Pangulong Duterte na hindi siya mag-a-apologize sa European community bagkus ay “[baka] sipain ko pa kayo,” ang pahayag nito.