Una sa Balita

Duterte nag-quarantine sa birthday

0 390

Pinagdiwang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ika-75 niyang kaarawan habang naka-quarantine sa official residence nito sa Malacañang.

Sa larawan na pinadala ni Sen. Bong Go sa mga reporter, makikita si Pangulong Duterte na mag-isang nag-aalmusal sa Bahay Pagbabago.

Nakahain sa mesa ang isang pritong isda, kanin at soup.

Bumuhos naman ang pagbati sa kaarawan ng Pangulo sa social media.

Naka-lockdown hanggang Abril 10,2020 ang Presidential Security Group upang protektahan ang Pangulo laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Ilang close-in na pawang nag-negatibo sa COVID test ang nakabantay sa Pangulo.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More