Una sa Balita

Duterte nag-alala sa mga estudyante kaya sinuspende ang klase

By
0 1,966

BINIGYANG-KATWIRAN ng Malacañang ang pagkansela sa klase ng mga estudyante kahapon, Martes kahit wala namang inilunsad na transport strike ang transport group na Piston na kumokontra sa modernisasyon ng mga pampublikong sasakyan.

Ito ma’y makaraang dumagsa ang reklamo dahil nakapasok na ang mga estudyante bago ilabas ng Palasyo ang Memorandum Circula­r #42 pasado alas-11:00 ng umaga para sa suspens­yon ng klase.

Sinabi ni Presidential Spokesman harry Roque, pangunahing konsi­derasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ang kapakanan at kaligtasan ng mga estudyante.

Sinagot din ng Palas­yo ang reklamo ng mga estudyante at mga magulang na final exam week ngayon sa mga paaralan kaya concerned sila sa mga ipinapatupad na suspensyon ng klase.

Ayon kay Roque, isang linggo ang inanunsiyo ng Piston sa kanilang welga at ayaw ng Pangulo na makompromiso ang mga estudyante.

“Well hindi po namin alam kung ano ang plano ng Piston. Inanunsiyo nila isang linggo nga iyan ata eh ‘no or nagbabanta sila na patuloy na mga strike ‘no. So naniniguro lang po ang Presidente. Finals or no finals, kapag wala pong masasakyan, walang masasakyan at magkakaroon ng posibleng mga aberya. Iyan po ang punto de-vista ng ating Presidente,” ani Roque.

Nilinaw ni Roque na madaling-araw na natapos ang security cluster meeting ng Pangulo nitong Martes kung saan ginawa ang memorandum kaya hindi kaagad ito nailabas sa publiko.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy