Una sa Balita

Duterte nag-aerial inspection sa Taal, kalapit na mga bayan

0 422

Nagsagawa ng aerial inspection sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Bong Go ngayong umaga, Enero 13, upang malaman kung gaano kalaki ang epekto ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Sabi ni Go, mula sa kanilang biyahe sa Davao City ay hindi muna dumiretso sa airport ang eroplano nila ng Pangulo at sa halip ay inikutan ang bahagi ng Taal sa Batangas at mga karatig na bayan na apektado.

Ang sinasakyang eroplano ng Pangulo ang unang sasakyang panghimpapawid na bumaba sa Ninoy Aquino International Airport kahapon.

“From Davao, nag-ikot sa Taal Volcano. First to land kami sa NAIA,” sabi ni Go sa kanyang Viber message sa mga Senate reporter.

Ayon pa sa dating Presidential Assistant, nakatutok ang Pangulo sa mga update sa lugar.

Inatasan na rin umano ng Presidente ang concerned government agencies na tiyakin ang kaligtasan ng mga apektadong pamilya.

Sabi pa ng senador, sinadya ng Pangulo na dumaan para makita kahit aerial man lang kung anong kasalukuyang nangyayari sa Taal Volcano.

Dapat aniya’y kagabi pa sila pupunta ng Maynila kaya lang inabutan sila ng pagsara ng airport sa Davao City. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More