Una sa Balita

Duterte, Misuari muling nag-usap sa Palasyo

0 200

Nakipagkita at nakipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang si Moro National Liberation Front (MNLF) founding Chairman Nur Misuari.­

Ang pulong ng Pangulo at ni Misuari ay ginanap Martes nang gabi at hindi ito kasama sa official schedule ng Presidente.

Sa nakalipas na mga talumpati ni Pangulong Duterte ay inihayag nito ang pagnanais na makausap muli si Misuari para pag-usapan ang isyu ng kapaya­paan at kaayusan sa Jolo, Sulu.

Matatandaang hindi pumayag si Misuari na mapabilang ang kanyang balwarte sa mga lugar na masasakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARRM), at nais maging independent ang Sulu kaya hindi ito nakilahok sa ginanap na plebisito ng Bangsamoro Organic Law o BOL noong Enero.

Ang BARRM ay pinangangasiwaan ng mayorya ng mga opisyal ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na hiwalay na grupo.
Wala pang inilabas na detalye ang Malacañang sa ginanap na pulong ng Pangulo at ni Misuari. (Aileen ­Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy