Una sa Balita

Duterte may P10K pamasko sa mga kawani ng gobyerno

0 615

MAGIGING masaya ang Pasko ng mga kawani ng gobyerno makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Ad­ministrative Order No. 19 para sa Service Re­cognition Incentive na hindi lalampas ng P10,000.

Kabilang sa mga ma­kakatanggap ng P10,000 in­sentibo ngayong Dis­yembre ang mga civilian personnel sa national govermnent agencies, kasama ang mga nagtatrabaho sa State Universities and Colleges (SUCs) at government-owned and controlled corporations (GOCCs), mga pulis at sundalo, bumbero, mga kawani ng Bureau of Jail Ma­nagement and Penology, Bureau of Corrections, Philippine Coast Guard at National Mapping and resource Information Authority.

Kabilang sa mga ma­kakatanggap ng biya­yang P10,000 ay mga civilian personnel na nasa regular, contractual at casual positions, subalit hindi kasali dito ang mga consultant, mga manggagawa na mayroong job contracts (pakyaw) at student trainees.

Nakapaloob sa admi­nistrative order ng Pa­ngulo na dapat lamang mabigyang pagkilala ang mga kawani sa kanilang hindi matawarang kontribusyon sa paghahatid ng serbisyo sa publiko.

“Government emplo­yees deserve to be rewarded to recognize their collective and unceasing participation in and invaluable contribution to the Admi­nistration’s continuing efforts toward the establishment of streamlined go­vernment processes and more responsive delivery of public services,” anang direktiba ng Pangulo.

Makakatanggap din ng Service Recognition Incentive (SRI) ang mga kawani sa lokal na pamahalaan kasama na ang mga nasa barangay level subalit nakadepende ito sa kakayahan ng pondo ng mga ito.

Ang P10,000 insentibo ay inaasahang matatanggap ng mga kawani simula December 20.

Nauna nang nakatanggap ng P60,000 ang mga kawani ng Office of the President (OP) nitong nakalipas na Lunes. (Aileen Tali­ping/Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy